MCRO-Tboli, nakapagtala ng 44 na Certificate of Birth sa isinagawang Free Birth Registration
Nakapagtala ng 44 na birth registration ang Municipal Civil Registrar’s Office o MCRO-Tboli matapos ang isang araw na itinalaga para gawing libre ang birth registration.
Ito ay kaugnay sa pagbubukas ng ika-33 Civil Registration Month sa bayan ng Tboli noong Pebrero 6, 2023. Nagkaroon din ang MCRO-Tboli ng pagkakataon na pangunahan ang unang linggo ng flag raising ceremony ng LGU-Tboli tuwing buwan ng Pebrero upang mapalakas nito ang kampanya ng Civil Registration Month.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni MCRO Marivic T. Divinagracia ang LGU-Tboli sa pamamuno ni Mayor Keo Dayle Tuan sa pag-aproba ng kanilang proyektong mobile registration para sa taong ito kung saan ang MCR na mismo ang tumutungo sa lahat ng barangay ng Tboli para magrehistro. Sa pamamagitan nito ay makapaghatid ng mabisa at mahusay serbisyo ang MCRO sa mamamayan ng Tboli.
Ang Civil Regfistration Month ay alinsunod sa Proclamation No. 682 na pinirmahan ni Dating Pangulo Corazon C. Aquino noong Enero 28,1991 na nagdeklara sa buwan ng Pebrero ng bawat taon bilang Civil Registration Month.
Matatandaan, na sa unang pagkakataon ay idinaos sa bayan ng Tboli nitong nakaraang Biyernes, Pebrero 3, 2023, ang pagbubukas ng province-wide celebration para sa ika-33 Civil Registration Month na may temang: “PSA@10: Providing Efficient and Effective Civil Registration and Vital Statistics through Digital Transformation.” (Johnary G. Orella, MIO News Team)