Proposed relocation site sa Sitio Ellaw, sinuri ng MDRRMO-Tboli
Nagsagawa ng pagsusuri o site visitation ang kawani ng 𝐓𝐛𝐨𝐥𝐢 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐑𝐞𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐌𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎) para sa proposed relocation site sa 𝐒𝐢𝐭𝐢𝐨 𝐄𝐥𝐥𝐚𝐰, 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐋𝐚𝐜𝐨𝐧𝐨𝐧 kahapon Pebrero 2, 2023.
Ayon sa MRRMO-Tboli, ito ay bilang tugon ng LGU-Tboli sa 33 pamilya na apektado sa nangyaring landslide noong Enero 12, 2023. Ang site visit ay isinagawa sa kahilingan ni Mayor Keo Dayle T. Tuan, na agarang mabigyan ng angkop at ligtas na lugar na malilipatan ang mga apektadong pamilya.
Sa site visitation, sinuri ng MDRRMO Tboli ang mga bagay na dapat isaalang-alang katulad ng katatagan ng lugar, access sa mga pangunahing serbisyo, at kaangkupan ng lupain para sa bagong gusali.
Sa pangunguna ni MDRRMO OIC, Roan May P. Gille, ang grupo ay nagsagawa din ng kuro-kuro sa mga local leaders at sa apektadong pamilya upang makapangalap ng kanilang opinion sa gagawing relocation plan.
Sa ilalim ng Thrusts Program ng Administration ni Mayor Tuan, sinisiguro nito na matugunan ang mga pangangailangan at pagmamalasakit para sa matatag na pamayanan.
Habang, magsasagawa pa rin ng tuloy-tuloy na monitoting sa lugar ang MDRRMO upang hindi na muling maulit ang nangyaring insidente. (Johnary G. Orella, MIO News Team/Photos Courtesy of MDRRMO Tboli)