PCIC, muling namahagi ng Cash Assistance sa mga magsasaka ng Tboli
Muling namahagi kahapon Pebrero 02, 2023, ang mga kawani ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ng indemnity checks o cash assistance para sa isang daan at isang (101) magsasaka mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Tboli.
Sa kabuuan, umabot sa halagang P554,142 ang naipamahagi ng PCIC sa mga magsasaka.
Nilinaw ng OMAg-Tboli, na ang mga farmer-claimant ay insured ng PCIC sa ilalim ng Free Insurance Coverage nito para sa farmer-beneficiaries na nakalista o nakapagpatala sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).
Sa kabilang banda, ang LGU Tboli, sa pangunguna ni Mayor Keo Dayle T. Tuan at sa pamamagitan ng OMAg ay palaging nagpapaalala sa mga magsasaka ng kahalagahan at benepisyo ng pagpaparehistro sa RSBSA at pagpapa-insure ng kanilang mga produkto sa PCIC. (Johnary G. Orella, MIO News Team/Photos Courtesy of OMAg-Tboli)