Mga magkasintahan na magiging bahagi ng Kasalan ng Bayan 2023, sumailalim sa Pre-Marriage Counseling
Bilang bahagi o requirement ng kasal, sumasailalim sa isang pre-marriage ang mga magkasintahan na magpapakasal nang libre sa pamamagitan ng Kasalan ng Bayan 2023 na kalakip sa mga aktibidad ng Seslong Festival 2023.
Ito’y ginanap kanina sa Tboli Municipal Open Court sa pangunguna ng Municipal Civil Registrar’s Office o MCRO-Tboli.
Ang Pre-Marriage Counselling ay isa sa mga requirements upang makakuha ng marriage license. Ang mga magkasintahan na lalahok dito ay magkakaroon ng certificate na katunayang sila ay sumailalim sa counselling.
Ito ay upang mabigyan sila ng malawak na kaalaman sa buhay ng magiging isang married couple at pati na rin sa kahalagahan ng family relationships at ng kanilang mga responsibilidad bilang parti ng preparasyon sa pagpasok sa buhay may asawa at pamilya. (Johnary G. Orella, MIO News Team/Photos Courtesy of LCRO-Tboli)